Flip Your Trip – Transit [tl]

Transit

Hayaan ang ibang tao ang magmaneho para sa inyo! Maraming mga opsyon sa transit sa Seattle, kabilang ang bus, streetcar, light rail, commuter rail, taxi sa tubig, at ferry. Matuto tungkol sa mga opsyon sa pagbabayad, pagpaplano sa inyong ruta, mga assisted transit na programa, at higit pa sa ibaba.

  • Mga tool sa sakay — Gabay mula sa King County Metro upang tulungan kayong magplano ng inyong biyahe gamit ang mga serbisyo ng Metro. 
  • Google Maps — Gamitin ang mga Google Map para tingnan ang mga opsyon sa pag-commute, mga ruta, mga iskedyul sa transit, at mga offline na mapa, at alamin kung ano ang pinakamabuting oras sa pagbisita sa isang lugar, at higit pa. Makikita sa inyong web browser, at sa format ng app para sa Android at iPhone.
  • *One Bus Away — App para sa Android at iPhone na nagbibigay ng real-time na impormasyon sa transit.
  • *Metro Trip Planner — Magplano ng biyahe, tingnan ang mga paparating na oras ng pag-alis, at tingnan ang mga posisyon ng mga sasakyan sa totoong oras.
  • Hopelink Transportation Resource Line — Nagbibigay ng isa-sa-isa na suporta sa paghanap ng mga natatanging mga opsyon sa transportasyon na angkop sa mga pangangailangan ng mga kliyente, mga ruta sa transportasyong pampubliko, at mga indibidwal na plano sa pagbiyahe.
  • Para may kausapin para sa tulong sa pagpaplano ng biyahe: 
    • Tumawag sa King County Metro customer service sa 206-553-3000, Lunes hanggang Biyernes, 6:00 n.u. hanggang 6:00 n.g. Kung kailangan ninyo ng tagapagsalin, pindutin ang 1 upang kumonekta sa isang taong nagsasalita ng inyong wika. Ang mga may kapansanan sa pandinig na mga sakay ay maaaring i-dial WA Relay sa 711.
    • Tawagan ang Sound Transit customer service sa 888-889-6368, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 n.u. hanggang 6:00 n.g. Kung kailangan ninyo ng tagapagsalin, tumawag sa 1 (800) 823-9230 at sabihin ang inyong wika. Ang mga may kapansanan na sakay ay maaaring i-dial TTY Relay sa 711.

*Sa Ingles lamang

  • ORCA Card – Card na gamit ng lahat ng mga transit provider sa rehiyon ng Puget Sound. 
  • *Pinababang pamasaheng ORCA — Matututo tungkol sa mga programa ng pinababang pamasaheng ORCA card.
  • ORCA Card para sa Kabataan – Card para sa mga kabataan 18 o mas bata upang sumakay nang libre sa lahat ng kalahok na ahensya.
  • *Transit GO Ticket App — App para sa Android at iPhone para direktang makabili ng mga tiket para sa King County Metro, Water Taxi, Sound Transit, mga Sounder Train, Kitsap County, at Seattle Streetcar gamit ang inyong credit card, debit card, o cash.
  • Paano magbayad: King County Metro — Gabay para sa mga opsyon sa pagbayad ng King County Metro sa paggamit ng bus, Metro Flex, at Water Taxi.
  • Paano magbayad: Sound Transit — Gabay sa mga opsyon sa pagbayad ng Sound Transit sa paggamit ng mga tren ng Sounder, ST Express Buses, at Link light rail.

*Sa Ingles lamang

Tandaan: Para sa mga commuter, maraming employer ang nag-aalok ng mga benepisyo sa pagbibiyahe. Tanungin ang inyong employer kung kwalipikado kayo para sa isang ORCA card.

Mga serbisyo sa transportasyon para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan 

  • Mga serbisyo at programa ng King County — Listahan ng mga naa-access na mga serbisyo sa mobility na ibinibigay ng King County.  
  • *Hopelink Find a Ride — Mga mapagkukunan ng transportasyon para sa mga beterano, matatanda, mga taong may kapansanan, mga indibidwal na mababa ang kita, at iba pa.
  • Hopelink Medicaid Transportasyon — Mga sakay patungo at mula sa mga medikal na appointment para sa mga tumatanggap ng Medicaid.
  • Hyde Shuttles — Shuttle na transportasyon para sa mga matatanda at mga may gulang na may kapansanan sa buong King County.
  • Metro Flex – On-demand na serbisyo ng transit na nagbibigay ng mga sakay sa maraming kapitbahayan ng King County. Mayroong mga ADA-accessible na sasakyan para sa mga customer na may mga wheelchair at iba pang mobility device.

*Sa Ingles lamang

*Sa Ingles lamang